Social › Forums › Practical Research › Paano po magvalidate ng questionnaire?
Tagged: validation
- This topic has 3 replies, 2 voices, and was last updated 2 years, 3 months ago by
Kevin Gil.
-
AuthorPosts
-
February 19, 2021 at 4:10 am #1973
Mia May Gonzalez
ParticipantMedyo kinakabahan lang po yung grupo namin kasi ang sabi sa instructions sa panel interview ng research proposal namin, magprepare daw ng document showing instrument validation. Eh honestly speaking wala namang tinuro as in. Parang hinahanapan lang kami ng research biglaan.
February 19, 2021 at 4:28 am #1974Kevin Gil
KeymasterAng questionnaire kasi ay isang form ng data gathering instrument and in general kailangan itest yung validity at reliability neto bago natin pwede gamitin. Para masabi nating “VALID” ang instrument, dapat yung objective na minemeasure niya ay siya ngang minemeasure nung specific na instrument. Halimbawa, ang objective mo ay imeasure yung galing sa multiplication pero ang questionnaire mo ay addition, magiging invalid yung laman ng questionnaire mo. So para macheck ito, kailangan mo ng ilang “expert opinion” whether your material measures your objectives. Say, math proficiency ang minemeasure, dapat math expert ang tanungin mo jan. Sa school namin, nagpoproduce lang ng letter yung nagvalidate to confirm the content validity of the instrument kung sarili itong gawa.
Ngayon, di yan nagtatapos jan. So next na problema ay yung reliability ng instrument or kung gaano siya ka-consistent pag ginamit mo sa pag measure. Yung reliability test ay pwedeng gawin thru pilot testing. Mas mabibigyan kita dito ng advise kung paano mo itetest yung reliability if you’ll show your research problem and inarrate mo man lang yung buong procedure mo.
Good luck!
February 19, 2021 at 4:46 am #1975Mia May Gonzalez
ParticipantThank you po sir 🙂 Sana kayo na lang teacher namin para may alam talaga sa research. LOL
Eto po sir yung topic namin, descriptive research about issues and reasons behind absenteeism in an online class setup. Survey questions po yung dinevelop namin na may rating scale.
February 19, 2021 at 4:52 am #1976Kevin Gil
KeymasterI appreciate that mia. hahaha! pero busy kasi ko sa mga raket ko at graduate studies kaya i prefer not to be employed as of the moment. hahaha!
Anyway, if yung content ng survey questionnaire niyo ay tungkol sa absenteeism at school, the best person to validate that is the school psychologist or guidance counselor. Pero in general, pwede din namang mga teachers siguro kasi education pa din naman ang context at since we are professional educators, pasok pa din naman siguro kami as expert pool.
In terms of reliability, it’s best to test your material against a previously validated material regarding absenteeism. Ngayon, kapag correlated yung results then reliable na yan. By the way, isa ito sa gamit ng review of related literature, ang maghanap ka ng mga valid instruments na pwede mong itest yung instruments mo.
Good luck!
-
AuthorPosts
- You must be logged in to reply to this topic.