Social › Forums › Practical Research › Paano po magvalidate ng questionnaire? › Reply To: Paano po magvalidate ng questionnaire?

Ang questionnaire kasi ay isang form ng data gathering instrument and in general kailangan itest yung validity at reliability neto bago natin pwede gamitin. Para masabi nating “VALID” ang instrument, dapat yung objective na minemeasure niya ay siya ngang minemeasure nung specific na instrument. Halimbawa, ang objective mo ay imeasure yung galing sa multiplication pero ang questionnaire mo ay addition, magiging invalid yung laman ng questionnaire mo. So para macheck ito, kailangan mo ng ilang “expert opinion” whether your material measures your objectives. Say, math proficiency ang minemeasure, dapat math expert ang tanungin mo jan. Sa school namin, nagpoproduce lang ng letter yung nagvalidate to confirm the content validity of the instrument kung sarili itong gawa.
Ngayon, di yan nagtatapos jan. So next na problema ay yung reliability ng instrument or kung gaano siya ka-consistent pag ginamit mo sa pag measure. Yung reliability test ay pwedeng gawin thru pilot testing. Mas mabibigyan kita dito ng advise kung paano mo itetest yung reliability if you’ll show your research problem and inarrate mo man lang yung buong procedure mo.
Good luck!