Reply To: not appropriate yung method namin para sa research title namin!! (T⌓T) Help!

Social Forums Practical Research not appropriate yung method namin para sa research title namin!! (T⌓T) Help! Reply To: not appropriate yung method namin para sa research title namin!! (T⌓T) Help!

#1972
Kevin Gil
Keymaster

Tama yung teacher mo dito na typical type of research for testing effectiveness ay thru experiment. And obviously, malayo talaga sa experimental design yung plano niyong magsurvey. (Sorry if i’m rubbing more salt to the wounds. Pasensya na. hehehe)

Ang experimental design ay mayroong 3 qualities na dapat present sa inyong proposal. Ito ay ang mga sumusunod:

– Randomization
Ito yung quality ng experimental design para yung sampling distribution niya ay as much as possible, maging reflection ng population na target niya. Typically yung participants neto ay hindi naman simple random sample eh kasi magcoconsent talaga muna yung mga yun so more likely kung pili lang sila, may malaking bias na involved na kaagad. For example, nagsurvey ka thru google forms.. malaki yung ililiit ng population mo dahil yung mga willing lang magrespond yung gagawa ng response sayo so yung applicability ng study mo ay para lang doon sa “willing to respond senior high students” which is di maganda.

Ang randomization sa isang experiment ay magagawa mo by randomly assigning your participants to DIFFERENT TREATMENT groups, yung control group mo (or yung comparison group) at yung experimental group. Ipapaliwanag ko yung necessity ng control group sa susunod na subtopic kasi ayun yung pangalawang quality ng experimental design, control.

Bakit kailangan randomly assigned? Madali tong maintindihan kung ipapakita ko sayo yung scenario na hindi randomly assigned. What if pinagsasama ko sa experimental setup yung mga alam kong magagaling naman talaga sa klase in the first place tapos pinagsama sama ko yung mga medya-medya lang? So ito yung nireresolve na issue ng randomization.. Magiging homogenous yung treatment groups mo PRIOR TO the intervention you’re supposed to implement.

– Control
Kaya control kasi kailangan mong kontrolin yung possibleng confounding variables na posibleng maka-apekto sa results ng experiments. Sa pagset-up ng control group na may parehong features with your experimental group minus the intervention, na-ru-rule out mo yung ibang factors na pwedeng maka-apekto sa dependent/response variable mo.

– Replication
Lastly, kaialngan mong ulitin yung pinag-gagawa mo kasi ito yung nagrereduce ng variability at error. This is very intuitive, actually dito nga lang yata kayo tumama sa design eh kasi balak niyong magsurvey ng maraming tao. The implications are intuitive as well, kasi pano kung naka-chamba lang talaga yung effect ng treatment mo?

IN CONLCUSION, ETO MGA DAPAT MONG AYUSIN

Una, magsetup ka ng experimental group at control group from your sampling distribution.. Sabihin nating may 50 kang respondents, yung 25 ilagay mo sa experimental group tapos yung 25 ilagay mo sa control group. Ngayon, idesign mo yung control conditions to the point na ang pagkakaiba lang nilang dalawa ay yung pagbabasa ng manga. (In short yung ilalagay mo sa experimental group, mapa gusto or ayaw magbasa ng manga, dapat pilitin mong pabasahin kasi experiment to at nagconsent siya sa gagawin sa kanya. hahahaha! The same goes with the control group,kung gusto niya magbasa, pwes, pagbawalan mo.)

So ganito yung pwedeng mangyari. Bigyan sila ng parehong module, parehong practice exercises pero yung experimental group mo bigyan mo ng extra activity na magbasa ng mga chapters ng napili mong manga.

Ang susunod mong problema ay pano mo ime-measure yung language proficiency nila. Eto yan, saan ba galing ang grades mo? sa survey ba? No.. So kung magiisip ka ng language proficiency measurement, eh dapat thru exam or some sort of test.. So pwedeng pre-test post test apra ma-measure mo din yung pagkakaiba before and after treatment. Ngayon, itong test na to ay dapat same mong ipapagamit sa parehong treatment.

Dahil malamang na di ka pa teacher, required na ipavalidate mo yung gagawin mong pre-test post test sa mga language experts. Pwede sa language teacher or sa psychologist para ma-assess kung yung mine-measure nga nung tanong mo ay yung attribute na hinahanap mo. Once na check na, hindi mo pa din siya pwede i-implement kasi kailangan mo naman itest yung reliability niya. Ang pinakamadaling gamitin for exams eh split-half method na kung saan hahatiin mo sa dalawa yung exam mo, then ichecheck mo kung mataas (or at least significant) yung results nung parehong part. Note: yung parehong part dapat homogenous in terms of competency baka kasi ilagay mo yung mahirap sa isang part tapos yung madali sa kabila eh. Pero itong mga ito, itanong mo na lahat sa mga magvavalidate ng instruments para ikaw, ieexecute mo na lang thru pilot testing.

Hindi ko muna ia-advance hangang data analysis ah, di pa natin kasi alam kung ano magiging bago mong design.

Good Luck!

New Report

Close